ABS-CBN Fact Check
banner
abscbnfactcheck.bsky.social
ABS-CBN Fact Check
@abscbnfactcheck.bsky.social
Independent fact-checking by @news.abs-cbn.com. Help us fight disinformation. Send us dubious claims: factcheck@abs-cbn.com or https://bit.ly/abscbnfactcheck
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE  

Isa na namang bidyo ng TV Patrol ang minanipula gamit ang AI para pagmukhaing nag-uulat ito tungkol sa isang diumano’y investment scheme kung saan kikita ang mga tao ng malaki sa loob ng maikling panahon. ‘Di totoo ang ulat. (1/6)

@news.abs-cbn.com
November 11, 2025 at 10:45 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE  

Noong Oct. 20, 2025, lumutang muli ang maling impormasyon na nakalaya na si dating Pang. Rodrigo Duterte mula sa kustodiya ng International Criminal Court. Hindi ito totoo. Sa ngayon, patuloy ang kaso niyang crimes against humanity. (1/4)

@news.abs-cbn.com
October 31, 2025 at 5:23 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Ayon sa PHIVOLCS, hindi natural na pagputok ng bulkan ang ipinapakita sa isang TikTok video na iniuugnay sa pagputok ng Bulkang Taal noong Oktubre 26, 2025.

Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...

@news.abs-cbn.com
October 30, 2025 at 8:11 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Hindi totoo na maglalabas ng payout ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Unconditional Cash Transfer program. Ayon sa DSWD, tapos na ang pagpapatupad ng programa noong 2020.

@news.abs-cbn.com
October 24, 2025 at 9:32 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Ang bidyong kumakalat sa social media ay kuha sa Trillion Peso March noong Sept. 21 at hindi sa protesta sa labas ng Forbes Park, Makati City noong Oct. 12.

@news.abs-cbn.com
October 20, 2025 at 4:56 PM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Hindi totoong itinalaga bilang bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Lito Lapid, taliwas sa mga kumakalat na bidyo online.

@news.abs-cbn.com
October 17, 2025 at 9:05 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Ginamitan ng artificial intelligence, o AI, ang video ni Sarah Discaya upang pagmukhaing sinabi niyang ginagamit silang panakip butas ng mga pulitiko sa maanomalyang flood control projects.

@news.abs-cbn.com
October 8, 2025 at 2:38 PM
#SaTotooLang, hindi pa huli ang mag-aral para kina lolo at lola! Maaari silang makakuha ng scholarship, tulong pinansyal, at iba pang benepisyo para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
October 6, 2025 at 6:41 AM
#SaTotooLang, may mga benepisyong natatamasa sina lolo at lola sa lahat ng pampublikong transportasyon mula jeep hanggang eroplano! Para ito sa mas maayos, magaan, at ligtas nilang biyahe. 🚌✈️👵👴

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
October 6, 2025 at 4:09 AM
#SaTotooLang, bilang pasasalamat at pagpupugay kina lolo at lola ay may espesyal na cash gift at pagkilala para sa kanila kapag umabot sila sa milestone ages lalo na kapag 100 years old! 🎉👵👴💙

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
October 5, 2025 at 7:06 AM
#SaTotooLang, may tulong pinansyal na nakalaan para sa senior citizens bilang dagdag suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 👵👴💙

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
October 4, 2025 at 11:12 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Ginamit ang lumang bidyo ng Oakwood Mutiny noong Hulyo 2003 upang pagmukhaing tila nagbibigay ng pahayag ang militar tungkol sa isyu ng mga maanomalyang flood control project ng Department of Public Works and Highways.

@news.abs-cbn.com
October 3, 2025 at 7:56 AM
#SaTotooLang, may mga programang pumuprotekta sa kalusugan nina lolo at lola! Sa ilalim ng batas, may libre at diskwento silang dapat natatamasa sa mga serbisyong medikal. 🩺💊

@news.abs-cbn.com

#ElderlyFilipinoWeek
#ABSCBNFactCheck
October 2, 2025 at 6:44 AM
#SaTotooLang, maraming benepisyo ang eksklusibo para sa ating senior citizens o mga edad 60 pataas! 👵👴

Ngayong #ElderlyFilipinoWeek, alamin at siguraduhin na natatamasa nina lolo at lola ang lahat ng kanilang karapatan at benepisyo.

@news.abs-cbn.com

#ABSCBNFactCheck
October 1, 2025 at 10:32 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

‘Wala akong sinasabing ganyan,’ ani ABS-CBN News anchor Noli ‘Kabayan’ De Castro tungkol sa Facebook post na ipinalalabas na diumano’y dinedepensahan niya ang madugong drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

@news.abs-cbn.com
September 30, 2025 at 9:03 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING

Nagkalat ang mga luma at AI-generated na bidyo na ipinagmukhang kuha sa mga kilos-protesta kontra korapsyon na ginanap sa Luneta at EDSA noong Setyembre 21, 2025.

@news.abs-cbn.com
September 30, 2025 at 6:04 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Minanipula gamit ang AI ang isang panayam ng negosyanteng si Ramon Ang upang magmistulang nag-eendorso siya ng diumano’y isang investment scheme kung saan maaaring kumita ng milyun-milyon sa loob lamang ng isang buwan. (1/6)

@news.abs-cbn.com
September 29, 2025 at 12:27 PM
False, fake, o misleading ba ang nakikita mo sa social media? Sa sobrang gulo ng mundo ng maling impormasyon, mas marami na ang nabuong fact check ratings. #SaTotooLang, paano ba nagkakaiba ang mga ito?

#ABSCBNFactCheck

@news.abs-cbn.com

PANOORIN: youtu.be/aD8HPFUojN4?...
September 22, 2025 at 8:27 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Taliwas sa kumakalat na quote card, pinabulaanan ni Bayan President Renato Reyes Jr. na sinabi niyang hindi sila sasama sa kilos-protesta at mananawagang magbitiw si Pres. Ferdinand Marcos Jr. dahil papalit si Vice Pres. Sara Duterte.

@news.abs-cbn.com
September 20, 2025 at 6:39 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Taliwas sa kumakalat online, walang inilabas na bagong direktiba ang gobyerno tungkol sa diumano’y mga bagong polisiya sa pag-angkas sa motorsiklo at tricycle na ipatutupad diumano sa Setyembre 2025.

@news.abs-cbn.com
September 2, 2025 at 9:05 AM
Kapamilya, interesado ka bang maging News and Verification Researcher? Mag-apply na at ipasa ang inyong CV sa newshr@abs-cbn.com!
September 2, 2025 at 5:24 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE

Taliwas sa kumakalat na Facebook post, walang batas na “Cellphone Registration Act.” Hindi totoo na sa ilalim nito ay kailangan irehistro ng users ang kanilang mobile phones online simula Setyembre 3, 2025 para magamit ang mga ito. (1/4)

@news.abs-cbn.com
August 28, 2025 at 4:42 AM
#SaTotooLang, sa dami ng kumakalat na maling impormasyon mapa-online man o hindi, hindi natitinag ang ABS-CBN Fact Check sa pagsusuri ng mga ito para ibalita ang tama at totoo. Curious ka ba kung paano namin ginagawa ang fact checking?

#ABSCBNFactCheck

@news.abs-cbn.com

PANOORIN: bit.ly/4fOuZKO
August 25, 2025 at 7:26 AM
#ABSCBNFactCheck Rating: NEEDS CONTEXT

Totoo mang pumasa sa House of Representatives ang panukalang batas na P200 dagdag-sahod, nangyari ito noon pang Hunyo 2025 sa ilalim ng 19th Congress at hindi ito naisabatas. Wala pang kaparehong panukala ang naipapasa sa 20th Congress.

@news.abs-cbn.com
August 21, 2025 at 11:29 AM
Mula memes hanggang advertising at kung anu-ano pang content sa internet, dumarami ang mga AI-generated content o tinatawag na deepfake. #SaTotooLang, kaya mo bang matukoy kung deepfake o totoo ang bawat content na makikita mo sa social media?

#ABSCBNFactCheck

@news.abs-cbn.com

▶️: bit.ly/470foFL
August 17, 2025 at 8:33 AM